Skip to main content

Meat Shop Business


    Ayoko ng baboy! ‘Yan ang banat ni Lourd Ernest De Veyra sa kanta ng banda niyang Radio Active Sago Project. Pero ibang baboy naman ang tinutukoy niya. Ang pag-uusapan natin ay hindi tungkol sa kababuyan o pambababoy kundi tungkol sa negosyong baboy. Gusto mo ba ng baboy? Puwes, ituloy lang ang pagbabasa…

    Merong kuwento, may isang sumubok na magtinda ng baboy sa palengke. Akala niya basta’t may puwesto ka lang sa palengke ay ayos na. Ang ginawa niya ay humango siya ng baboy nang walang anumang nalalaman sa negosyong ito. Nagtataka siya ba’t walang bumili sa kanya gayung minurahan pa niya ang kanyang paninda. Nang matapos ang araw, walang bumili sa kanya. Hindi niya alam na  ang labanan pala sa palengke ay sukian. Ang mga kakumpetensya niya ay marami ng loyal na kostumer samantalang siya ay wala pa. Kinabukasan ‘di na siya bumalik para magtinda dahil na rin sa pagkalugi at pagkadismaya.

    Ano ang problema ng tauhan sa kuwento?  Tutal unang araw pa lang naman niya kaya’t wala pa talaga siyang regular na suki. Pero ang mabigat na problema niya ay hindi siya marunong mag-processed food. Kailangan mo itong matutunan dahil ang natitirang paninda ay puwedeng gawing tocino, longgonisa at iba pa. May mga nag-aalok naman ng seminar kung paano gumawa ng processed food, puwede ka roong mag-aral para ito ay matutunan. Bukod sa paggawa ng processed food, dapat ay mayroon ka ring pinagbabagsakan na mga kainan ng iyong butu-buto at pata. Hindi mo naman kasi mapa-processed food yun, e. Kung araw-araw na mayroon kang tira ay baka ma-highblood ka. Kikita ka sana pero ang kita mo natutulog lang sa freezer.

    Pero alam mo bang puwede kang magnegosyo ng baboy kahit wala kang meat shop? Ang gagawin mo lang ay kausapin mo ang may-ari ng mga canteen at restawran para ikaw ang mag-supply sa kanila ng baboy. Puwede kang humango ng paninda kahit sa mismong palengke. Kapag marami ka naman kasing kukunin sa kanila ay makakakuha ka ng special price tapos papatungan mo na lang pagbenta mo. Tandaan lang, huwag kukuha ng marami. Tama na ‘yung kalahating baboy lang para kaya mong ubusin. Mas maganda kung meron kang kainan para may pagdadalhan ka ng mga natirang paninda. Gaya nang nabanggit marunong ka dapat mag-processed food. Kapag palaging nakakaubos ng paninda, puwede ka nang magtayo ng meat shop.

   Siyempre, kapag may shop ka na hahango ka sa slaughter house. Ang una mong dapat ikunsidera ay ‘yung timbang at saka ang sistema nila ng pagkakatay ng baboy kung malinis ba. Malalamang mali ang pagkatay sa baboy kung namumutla ito at nagutubig. Ibig sabihin, ‘di marunong ang kumatay nun. Para makasigurong malinis ang baboy, dapat marunong ka ring tumingin ng botsa. Malalamang botsa ang baboy kung walang minuldensya o lamang-loob ito. Mabaho kasi ang lamang-loob ng botsa kaya tinanggal ng mga nagkakatay. Saka kulay pink ang laman nito at kapag hiniwa mo ay may parang kidlat-kidlat ng dugo. Pero karaniwang namamatay ang baboy. Kaya’t ang dapat na ginagawa ng mga nagkakatay kapag na-heat stroke ang baboy, sa biyahe pa lang dapat sinasaksak na nila para lumabas ang dugo. Kapag hindi kasi napalabas ang dugo mangingitim ang laman nito saka mabaho. Pagdating naman sa timbang, pagdating mo sa puwesto mo timbangin agad kung tama ba ang ibinigay nila sa iyo. Kapag kulang sa timbang ‘di kailangang maghanap ng ibang slaughter house. Karaniwan kasing sa isang slaughter house andun ang iba’t ibang hog dealer, mamili ka na lang uli sa kanila kung saan ka kukuha.

    Magandang kumuha sa malalaking dealer ng baboy dahil mas makasisiguro sa kalidad ng baboy. Hindi porke’t mataba ang baboy ay bibilhin mo na. Dapat ‘yung laman, ang nakadikit ay balat hindi puro taba. Kung kukunin mo puro taba tapos dadalihin mo sa palengke baka magreklamo ang kostumer mo ba’t puro taba ang ibibigay mo sa kanya. Malamang hindi na lang ito bibili sa iyo. Kapag bibili ng isang buong baboy siguraduhin na nasa 90 kilos ito. Kapag bumababa kasi ng 20 kilos baka malugi ka dahil may mga butu-buto pa yan. Eh, sa volume ka nga ng laman ng baboy bumabawi.

   Mahalagang maging tapat sa mga kostumer. Huwag gayahin ang ibang magbababoy na nandaraya. Ang ginagawa kasi ng iba ay kulang ng kalahati o isang guhit kada kilo ang ibinibigay nila sa kostumer. Isipin mo na lang na ayaw mo rin na ganito ang gawin ng nagtitinda ng baboy kaya’t huwag mo ring gawin sa iba. Panatilihin din lagi na malinis ang lugar mo. At isa pang importante, maging magalang at makisama sa mga kostumer. Nabanggit na sa palengke paramihan ng suki ang labanan. Kaya’t kung gusto mong magpabalik-balik sa iyo ang iyong mga suki ay gawin lang ang nararapat.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...