Skip to main content

Isang Sulyap sa Talambuhay ni Andres Bonifacio


Kung mayroon mang bayani na naging malaki ang nagawa para sa bansa ay isa na rito si Andres Bonifacio na walang takot noon na nag-aklas laban sa mga Kastila. Ang kanyang buhay ay punung-puno ng hamon at inspirasyon sa kanino man. Isinilang siyang dukha kaya’t bata pa lang ay batak na sa pagtratrabaho. Naging taga-pagtinda siya ng abaniko noong panahon ng kanyang kabataan. Maaga silang naulila ng kanyang mga kapatid at dahil sa panganay ay naiwan sa kanya ang responsibilidad sa pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.

Wala siyang natapos na anumang kurso kung kaya’t ang kakulangan sa pag-aaral ay pinunan niya sa pamamagitan ng pagbabasa. ‘Di ba’t nagging mahusay pa nga siyang manunulat at makata? Isinulat niya ang pamosong tula na, “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,” na naghahayag ng kanyang marubdonb na pag-ibig sa Inang Bayan. Naging paborito niyang basahin ang dalawang aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kabilang na rin ang libro patungkol sa rebolusyong Pranses at ang mga librong yaon ang isa sa nagbigay ng inspirasyon sa kanya para lumaban sa mga Kastila.

Sumali pa nga siya sa La Liga Filipina na pinamumunuan ni Rizal. ‘Di naglaon ay itinayo niya ang Kataas-taasan, Kagalang-galangan, Katipunan ng mga Anak ngBayan o KKK. Bagama’t siya ang nagtatag nito ay ipanaubaya niya sa iba ang pamumuno. May isinulat din siyang by law o kanilang kartilya subali’t mas pinili niyang gamitin ang bersiyon ni Emilio Jacinto. Nagpapakita lang ito na kababaang loob ni Bonifacio. Bagama’t mahihinang klase lang ng armas ang kanilang tangan ay ‘di ito naging hadlang para makapagdaos sila ng malawakang rebolusyon na sukat na yumanig sa mga Kastila. Nagpapatunay lang ito na sadyang matatapang ang mga Pinoy, kailangan lang na may isang lider na aakay sa kanila tulad ni Bonifacio.


Ngunit sa kasamaang-palad ay naganap ang malaking kasawian sa buhay ni Bonifacio maging sa himagsikan. Nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan sa chapter ng Katipunan sa Cavite na tinatawag na Magdalo at Magdiwang. Ang Magdiwang ay pinamumunuan ng pinsan ni Gen Emilio Aguinaldo, samantalang ang huli ay pinamumunuan ng kamag-anak ng kanyang asawa. Nang ito ay kanyang mabalitaan ay agad siyang lumuwas sa Cavite . Pinilit pa niyang pagkasunduin ang dalawang pangkat ngunit nahirapan lang siya.

Para mapagkaisa ang mga naglalabang paksiyon ay napag-isipan nilang magkaroon ng halalan na tinatawag na Tejeros Convention noong Marso 22, 1897. Ngunit dahil nasa teritoryo ni Aguinaldo ay ito ang nahalal bilang pangulo. Naihalal pa si Bonifacio bilang Director of the Interior, ngunit ito ay kinontra ng isang lider ng Magdalo na si Daniel Tirona at sinabing abogado lang ang karapat-dapat sa naturang posisyon. Dahil naisulto ay ‘di kinilala ni Bonifacio ang naturang halalan. Hanggang sa ipaaresto siya ni Aguinaldo sa salang pagtataksil sa bayan. Siya kasama ang kanyang kapatid ay pinaslang sa bundok ng Maragondon noong Mayo 10, 1897.


Sinasabing si Bonifacio ang dapat na ituring na kauna-unahang Presidente ng Pilipinas. Dahil may sarili itong sistema ng gobyerno at hindi ang Revolutionary Government ni Aguinaldo. Siya rin diumano ang dapat na maging Pambansang Bayani imbes na si Rizal. Dahil si Bonifacio diumano ang kumakatawan ng masang Pilipino at isa pa, ang mga Amerikano ang humirang kay Rizal para maging pambansang bayani. Ibig sabihin ay sadyang mataas ang pagkilala ng iba kay Bonifacio. Ngayong Binafacio Day ‘di lamang sapat ang paggunita sa kanyang kabayanihan. Subali’t dapat din nating tuluran ang kaniyang kabayanihan. Dahil kahit sino ay maaaring maging bayani sa sarili niyang paraan.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...