Skip to main content

Batas na Nagbabawal sa Pamamalimos


          Kung mayroon mang pinakamahirap na tao sa mundo ito ay ang mga pulubi. Mistulang nasukol sila ng labis na karalitaan at nawalan na ng kakayahan pang mag-isip para mabuhay nang hindi dumidepende sa limos ng kapwa. Dahil ang maging pulubi ay ang mabuhay sa awa ng iba. Likas kasi sa Pinoy ang maging maawain at matulungin kaya marami ang gustong mamalimos na lang. Ang mga pulubi ay may kanya-kanyang istilo sa pamamalimos para makakuha ng simpatya.

         Mayroong nakahiga sa kalsada habang may katabing lata, meron ding makukulit na kung tawagin ay 'kalabit-penge', ang iba naman ay may dala-dala pang sanggol at ginagamit din ang kanilang kapansanan para kaawaan. Pero kuwidaw ka dahil mayroong mga nagpapanggap na pilay o 'di kaya'y bulag pero nakakakita naman pala. Siyempre, hindi mawawala ang mga bulag na mistulang 'rockstar' habang naggigitara at kumakanta.

             Ngunit ipinagbabawal ng batas ang pamamalimos dahil nakakapagpababa diumano ito ng dignidad ng isang tao. Lalo na sa mga musmos dahil naaabuso ang kanilang karapatang pambata. Nakalulungkot isipin minsan kasi ang magulang pa mismo ang nagtutulak sa anak para mamalimos. Isa pa, tinuturuan nito ang bata na maging palaasa at nadadala niya hanggang sa paglaki. Para sa iba, hindi masisisi ang kahirapan ng isang bansa ang pagkakaroon ng pulubi bagama't mataas talaga ang bilang ng mga pulubi rito. Dahil kahit sa Amerika, na pinakamayamang bansa sa buong daigdig ay mayroon pa ring mga pulubi. Nasa ugali na raw ito ng tao; ito raw ang tunay na trabahong tamad dahil ang manghingi lang ng pera ang alam nilang gawin. Meron kasing mga namamalimos na mas malaki pa ang katawan sa iyo.

           Bakit daw ang ilang may kapansanan ay hindi namamalimos? Maraming mga bulag na marunong magmasahe at marami rin ang mas gustong magkalkal ng basura kaysa mamalimos. Ang masama pa may mga pulubing kapag binibigyan ng pagkain ay ayaw tanggapin, perahin na lang daw. Katanggap-tanggap lang diumano ang pamamalimos kung ang pulubi ay matanda na at 'di na kayang magtrabaho tapos inabandona na ng kanyang pamilya. Pero isa lang ang sigurado, walang mamalimos kung walang nagpapalimos...

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...