Skip to main content

Ano ang ADHD?


         Ito ay ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder na isang uri ng behavioral disorder. Ang ilan sa sintomas nito ay ang sobrang pagiging makulit at malikot na karaniwang nakikita sa mga batang edad 7 at 1/3 porsiyento ng mga may ADHD ay nananatiling ganito hanggang sa kanilang pagtanda. Madali lang malaman kapag mayroong sakit na ito, hindi na kailangan ng blood test o anumang physical examination. Dahil sakit ito sa pag-uugali kaya't kailangan lang ay obserbahan ang ikinikilos ng isang indibidwal. Sinasabing genetic o namamana ang ADHD, nakukuha rin sa magulong kapaligiran at maging ang pang-aabuso sa bata ay isa ring salik para magkaroon nito. Kaya't ipinapayo sa mga magulang na huwag nilang aabusuhin ang kanilang mga anak, pisikal man o verbal.

          Ang mga taong may ADHD ay may malaking problemang kinakaharap lalo na sa aspektong sosyal. Madalas kasi imbes na unawain ay nakararanas sila ng rejection o iniiwasan ng mga taong nakapalibot sa kanila dahil na rin sa kanilang pag-uugali. Sa mga batang may ADHD ay sakit sila sa ulo ng kanilang mga magulang at titser dahil hindi mapirme sa kinalalagyan at napakaingay din. Kinakailangang palaging bantayan sila, dahil sa kalikutan ay kung anu-ano'ng pinaglalaruan at takbo pa nang takbo, na minsan ay nauuwi pa sa disgrasya. Hindi rin sila nakakapag-concentrate sa kanilang ginagawa kaya wala silang natatapos. Sa isinagawa namang pag-aaral ng mga eksperto, ang matatandang may ADHD ay walang progreso sa kanilang buhay, may mababang antas ng trabaho at mayroon silang anti-social personalities.

             Dito sa Pilipinas ay mayroong grupo na tumutulong sa ganitong problema, ang ADHD Society of The Philippines. Itinuturing nila itong seryosong problema dahil sa dumaraming kaso ng mga may ADHD sa bansa. Naniniwala silang ang pagkalinga at pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak ay isang mabisang paraan para sila ay maging produktibo pa rin at hindi maging pabigat sa lipunan.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...