Skip to main content

The Official Statement of Iglesia ni Cristo on the Controversial Video of Angel and Tenny Manalo

 

        The leadership of Iglesia ni Cristo has already released theirstatement regarding to the allegation of Ka Angel Manalo and Tenny Manalo, brother and Mother of Inc. Executive Minister Eduardo Manalo. They denied the allegation of two Manalo family members that their lives are in danger and some of their ministers have been captured. Inc. General Bienvinido Santiago said that they only want to dismantle the image of INC to gain control inside the church. But they will not let them to happen it. He emphasized that the church is not a family coroporation, but a religion which the main doctrine is based on the word of God.

Here is the full text of the official statement of the INC:
"Yong lumabas sa YouTube kagabi na pahayag ni Angel Manalo at ng kanilang ina na nananawagan sa mga kaanib sa Iglesia para sila ay tulungan dahil diumano ay nanganganib ang kanilang buhay at meron pang alegasyon na meron pang mga dinukot na ministro na wari'y ibig na palabasing may kinalaman din ang Iglesia ay wala pong katotohanan. Hindi po totoo 'yon.

Ang Iglesia ay 101 taon na sa Lunes at  dumaan na rin ito sa napakaraming mga pag-uusig, panggigipit at maraming mga pagsubok subalit ang tanging pinanghawakan at inasahan ng Iglesia ay ang mga aral ng Diyos na sinasampalatayaan nito na nakasulat sa bibliya at 'yong tulong at patnubay ng ating Panginoong Diyos. Ang kasalukuyang pamamahala ng Iglesia sa pangunguna ng kapatid na Eduardo Manalo ay namamalaging nanghahawak sa patakarang yan. Hindi humihiwalay sa mga aral ng Diyos na itinuro ng nagsimulang mangaral nito sa Pilipinas ang kapatid na Felix Manalo.
Ang basa namin doon sa ipinahayag nila sa YouTube ay ibig lamang nilang makakuha ng mga tao na magsisimpatya sa kanila para nang sa ganun ay makuha nila yung talagang gusto nila ma mapakialaman ang pamamahala sa Iglesia. Dapat malaman ng lahat na ang Iglesia ay hindi isang korporasyon na pampamilya. Ito ay isang relihiyon na ang sinusunod ay ang mga patakaran at mga aral ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.
Headlines ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1Hindi po makapapayag ang kapatid na Eduardo Manalo, ang kasalukuyang tagapamahalang pangkalahatan na ang Iglesia ay guluhin ng sinumang tao. Kaya doon sa ginawa nila na 'yon kagabi na maliwanag namang ang layon ay makalikha ng mga pagkakabaha-bahagi ay hindi maiiwasan na ipatupad sa kanila 'yong mga tuntunin at patakaran ng Iglesia na ipinatutupad ng tagapamahalang pangkalahatan sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia.

Kaya masakit man sa loob ng kapatid na Eduardo Manalo ay ipinasya nila na itiwalag 'yong mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi sa Iglesia. Kaya sa mga pagsambang isasagawa ng Iglesia ni Cristo simula sa araw na ito ay ipaaalam 'yon sa lahat ng kapatid iyong pasyang 'yon ng tagapamahalang pangkalahatan".

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr