Nahaharap ngayon sa deportasyon ang Thai national na si Prasertsri Korin o Koko Narakmatapos siyang mag-post sa social media ng nakakainsultong mga pahayag laban sa mga Pilipino. Kamakailan ay tinawag niyang pignoys, stupid creatures, useless race, low class slum slaves at itnututuring niya lang ang mga Pinoy bilang maids at toilet lickers. 'Di naman niya ipinaliwanag kung bakit ganito na lang ang kanyang naging pagtingin sa mga Pilipino.
Dahil sa mga nakakainsultong pahayag ni Korin ay nakatanggap siya ng kaliwa't kanang batikos mula sa mga netizen. Hindi diumano makatarungan ang kanyang mga sinabi laban sa mga Pilipino. Nasabihan rin ang Thai national na nagpapansin lang ito at psobileng may sira sa pag-iisip kaya't naging ganito na lang ang kanyang asal.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Bureau of Immigration nito lang Lunes na kanilang ipapatapon o pababalikin sa bansa nito si Korin dahil sa ginawa niyang paghamak sa mga Pilipino. Si Korin ay tatlong taon nang nagtatrabaho bilang isang call center agent sa Pilipinas.
Humingi lang ng paumanhin si Korin matapos itong pagalitan at patawan ng kaukulang parusa ng business process outsourcing company na pinagtatrabahuan nito, ang Cognizant Philippines. Hindi diumano nila kukunsitihin ang pambabastos ni Korin sa mga Pilipino. Naniniwala ang kumpanyang pinagtatrabahuan ni Korin na ang mga Pilipino ay mayroong dignidad. Wala diumanong karapatan si Korin na magpakita ng pagiging racist 'di lamang sa mga Pilipino kundi pati na rin sa ibang lahi.
Bagama't humingi na ng tawag si Korin at nahaharap na rin sa deportasyon ay 'di pa rin siya napapatawad sa mga nasaktan sa kanyang nakakainsultong mga pahayag. Dapat diumano siyang ituring bilang persona non grata para magtanda at 'di pamarisan ng iba.