Skip to main content

Health Benefits sa Carrot



      Kilala ang carrot dahil madalas itong iugnay sa mga kuneho dahil paborito nila itong kainin. Pero siyempre, ‘di lamang para sa kuneho dahil higit sa lahat ito ay para sa mga tao. Ang carrot ay isa sa mga gulay na maraming sustansyang makukuha kaya’t mainam ang kumain nito.

  Isa sa benepisyo sa carrot ay nagsisilbi itong pampalinaw ng mga mata dahil sa taglay nitong Vitamin A. Mainam ito para sa mga taong hirap makakita sa gabi. Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang carrot ay nakapagpapababa ng tsansa sa pagkakaroon ng katarata.

     Sagana rin sa fiber ang carrot na tumutulong naman sa pagpapabuti ng pagdumi. Dahil sa kakaunti lamang ang naiimbak na pagkain sa loob ng katawan ay tiyak na bababa ang iyong timbang. Isa pa, mababa rin sa cholesterol ang carrot kaya’t makaiiwas sa pagiging mataba. Ang maganda pa sa carrot dahil sa taglay nitong fiber ay tumutulong din ito sa problema sa sakit ng tiyan dahil nililinis nito ang ating bituka.

      Bukod dito ay sagana rin sa beta-carotene ang carrots na nagtataglay ng anti-oxidants na lumalaban sa mga free radicals na pumipinsala sa loob ng ating katawan. Base pa nga sa isinagawang pag-aaral ng iba, ang carrot ay nagpapababa ng tsansa sa pagkakaroon ng cancer partikular na ang kanser sa baga.
Sinasabing ang carrot ay panlaban sa pagkakaroon ng high blood pressure. Sagana kasi ito sa potassium na kumokontra sa sodium na nasa ating katawan na nagpapataas ng tsansa sa pagkakaroon ng high blood pressure.

        Nagsisilbi ring panlinis ng ngipin ang carrot. Ito naman ay dahil mayroon itong mineral na tumutulong sa pagpatay ng mga bakterya na nasa loob ng ating bibig. Kahit hindi pa nagsipilyo matapos kumain ay magiging malinis ang ngipin basta’t kumain lang ng carrot.

       Ang carrot din ay mayroong carotenoid na tumutulong para kontrolin ang antas ng asukal sa ating dugo. Para maiwasan ang diabetes ay mainam lamang na kumain ng carrot.


Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...