Skip to main content

Health Benefits sa Guyabano


Ang guyabano o soursop sa Ingles (scientific name Anoya muricata), ay isang maliit na puno na kilala sa bunga nito at pagiging halamang gamot. Ang punong ito ay nagmula sa tropical Amerika at dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol. Kilala ito sa tawag na guayabano o guabanosa Tagalog, atti sa Ibanag, babana sa Bisaya at bayubana o guyabana sa Ilokano, at llabanos sa Bikol.

Ang bunga nito ay may habang 15 hanggang 20 sentimetro at may bigat na kalahati hanggang 2 ½ kilo. Ito ay makintab, dark green at binabalot ng mga malambot at berdeng tinik. Ito ay may manipis na balat at puting laman at itim na buto na nakabaon sa laman.  Mataas ito sa carbohydrates at nagtataglay ng Vitamin C, Vitamin B1, Vitamin B2, Potassium at dietary fiber. Ang guyabano ay mababa sa cholesterol, saturated fat at sodium.

Masarap na kainin ang prutas nito.  Ang prutas ay maaari ring gawing sangkap sa paggawa ng ice cream, kendi, shake, juice at iba pang inumin. Makagagawa din ng minatamis mula sa manibalang ngunit hindi hinog na bunga.

Ang guyabano ay ginagamit ding lunas sa iba’t ibang karamdaman.  Sinasabing mayroon itong katangiang pampakalma, pampapawis at pampasuka. Ang katas mula sa pinakuluang dahon ay ginagamit na pangontra sa surot at lisa.

Upang bumaba ang lagnat, ang pinakuluang dahon ay maaring inumin o ipampaligo. Ang dinurog na dahon ay maari ring itapal sa paltos na balat upang bumilis ang paggaling.  Ang murang dahon ng guyabano ay maaring ipunas sa balat upang guminhawa sa rheumatism at iba pang inpeksyon sa balat tulad ng eczema. Kapag inilagay habang gumagaling ang sugat, maari ring mawala o mabawasan ang peklat na dulot ng sugat.  Ang pinakuluang dahon ay maari ring gamitin bilang wet compress sa namamagang paa at iba pang uri ng pamamaga.

Ang katas ng prutas ay iniinom bilang lunas sa mga sakit sa pag-ihi tulad ng urethritis at hematuria at maging sa problema sa atay. Ang pinulbos o dinurog na buto ng guyabano na inihalo sa sabon at tubig ay mabisang pang- spray sa mga higad, armyworm at leafhopper sa mga halaman. 

Bilang gamot, ang prutas ay maaring gawing gamot sa ubo, scurry at lagnat. Ang buto at berdeng prutas ay maaring gamiting pampasuka at gawing lunas sa disenterya o gamiting pampampat ng pagdurugo.  Ang ugat at dahon ay maaring gamot sa colic at sa kombulsyon. Ang pinaghalong katas ng dahon o ugat ay maaring gawing pampapawis at maaari ring ipahid sa iritayson ng balat at sa rheumatism.

Ang kakayahang medisinal ng guyabano ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Mexico , Malaysia , Indonesia , Celebes at sa West Indies . 



Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...