Skip to main content

Health Benefits sa Honey o Pulot

       
         Ang pulot ay isa ring natural na pampatamis ngunit hindi alam ng karamihan na nagtataglay ito ng mga nutrisyonal at medikal na katangian.

        Ang pulot ay nagtataglay ng mga sumusunod na minerals; potassium, magnesium, calcium, sodium, chloride, sulfur, iron, copper, iodine at zinc. Ang mga nasabing minerals ay nakapagbibigay ng sapat na sustansya sa ating katawan.  Mayroon din itong choline, isang napakahalagang vitamin B na kailangan ng ating utak.

        Ayon sa isang pag-aaral ng mga Swiss, ang pulot ay mayaman sa carbohydrates ngunit mababa sa glycemic index (GI). Ang mga pagkain na may mababang GI ay nakatutulong sa tamang pagdaloy ng dugo. Samantalang ang may mataas na GI ay makasasama lalo na sa mga diabetic.

        Ang pulot ay mainam na panlaban sa mikrobyo at mga parasitiko. Ang kakayahan nito na mapigilan ang pagkalat ng maliliit na organismo ay napatunayan at naitala. Ang pulot ay nakatutulong din sa mabilis na paghilom ng mga sugat. Katunayan ay ginagamit ito ng ilang klinika upang ipanggamot sa ulcer at first, second and third degree burn. Napatunayan na mas mabilis itong makapagpahilom at hindi nagkakaroon ng impeksyon. Naobserbahan ni Dr. Peter Molan ng Waikato University sa New Zealand na mas epektibong panlunas ang pulot sa mga burn wounds kaysa sa mga anti-bacterial ointments na kalimitang ginagamit sa ospital.

        Napatunayan din sa pag-aaral ni Dr. Ian Paul ng Penn State University na ang pulot ay mas mabisang gamot sa ubo lalo na sa mga bata kaysa sa epekto ng dextromethorpan na nabibili sa mga botika. Ang pulot ay nakatutulong din sa mga sanggol na mapataas ang kanilang timbang, mapataas ang bilang ng haemoglobin at nakapag-papaayos ng panunaw habang pinalalakas nito ang resistensya upang malabanan ang mga sakit.

        Gayunpaman, hindi naman masama kung maparami ang pagkain ng pulot ngunit iwasan itong ibigay sa mga sanggol na wala pang isang taon upang makaiwas sa botulism poisoning. At ganun din sa mga taong may allergy sa pollen.

        Ang kumbinasyon ng pulot at gatas ay mainam ng anti-aging hindi lamang sa balat kundi sa buong katawan. Maraming tao sa Roma, Egypt at India ay umiinom nito upang mapanatiling bata ang kanilang itsura. Ang pag-inom ng isang baso ng gatas na may pulot araw-araw ay nakapag-bibigay lakas at sigla sa katawan.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...