Photo Source: Abs-Cbn Sinabi ng gobyerno na hindi lang mga Maute Group at Abu Sayyaf ang nakikipaglaban ngayon sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City kundi mayroon ding mga dayuhan. Ayon kay Solicitor General Jose Calida sa press conference ng Armed Forces of the Philippines sa Davao City na nakapasok na sa bansa ang mga foreighn jihadist mula Malysia, Indonesia at Singapore. Ito diumano ang nagbunsod kay Pangulong Duterte na ibaba ang Martial Law sa Mindanao. Hindi lang daw kasi ito basta pag-aalsa ng mamamayang Pilipino kundi kinasasangkutan na rin ng mga dayuhan. May kinalaman ito sa panawagan ng ISIS na magpunta sa Pilipinas kung nahihirapan ang kanilang mga kaalyado na magtungo sa Iraq at Syria. Samantala, kinumpirma naman ni AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla ang balitang nakapasok na nga ang ilang foreign jhadist sa bansa. Sa 31 kasi na napatay ng tropa ng gobyerno sa bakbakan sa Marawi City ay anim sa kanila ang mga dayuhan. Pero hindi na idinetalye
An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.