Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2017

Hipuan, Sampalan at Dukutan sa MRT, Viral sa Internet

Photo Credit: Rocky Hondrade Pinag-uusapan ngayon sa social media ang ipinost ng video ng Facebook user na si Rocky Honrade. Ito ay tungkol sa pag-i-eskandalo sa MRT ng isang babaeng nakasuot ng puting uniform dahil hinipuan daw siya ng isang lalaki na kanyang inaaway. Ayon kay Rocky, nangyari ang insidente noong March 23.  Makikita sa video na sinisigaw-sigawan ng babae ang lalaki at sinasampal-sampal pa. Pilit niya itong pinalalabas ng tren. Hanggang sa mapilitang lumabas ang lalaki nang guwardiya na ang nagpalabas sa kanya. Pero habang nagaganap ang kaguluhan, makikita rin sa video ang isang lalaki na nakasumbrebro na may dinudukot ito sa bulsa ng likod ng pantalon ng lalaking nanghipo diumano. Ipinagpapalagay tuloy ng ilang netizen na maaaring modus ang nangyari. Nang-away daw ang babae pero iba talaga ang pakay nito. Naawa tuloy sila sa lalaki, nasampal na ay nadukutan pa.  May mga naniniwala namang sinamantala lang nang mandurukot ang s...

Fans ni Angel Locsin, Magsasagawa ng Walk Protest Laban sa Star Cinema

Nakatakdang magsagawa ng walk protest ang ilan sa fans ni Angel Locsin dahil sa 'di na matutuloy ang pagganap nito bilang Darna sa pelikula na ipuprodyus ng Star Cinema. Naniniwala ang nasa likod ng protesta na ito na di ito makatarungan dahil matagal na nilang inaasam na makita si Angel na gumanap muli bilang Darna. Ang protesta ay pinamagatang #AWalkforAngelLocsin. Maglalakad ang mga dadalo mula sa labas ng GMa compound corner EDSA papuntang ABS-CBN. Ang nasabing protesta ay gaganapin sa  March 21 ng tanghali. Nagsimula ito matapos manawagan ang Instagram user na si gilliette27. May mga fans naman ni Angel na handang sumama sa walk protest na ito. Sa ngayon ay wala pang komento si Angel at ang Star Cinema hinggil sa nasabing protesta. Source: balita.net.ph, lionheartv

Viral: Batang Magaling Kumanta, Nanghaharana sa Mga Tao Para Makasali sa Tawag ng Tanghalan!

Photo Crdit: Ramos Ivan         Viral ngayon ang video ng batang kumakanta ng 'Till I Met You sa isang restaurant na pinost ng Facebook user na si Ramos Ivan. Maraming mga netizens ang naantig sa kanyang istorya dahil kinailangan niyang lumikom ng pera pang-gastos niya. Gusto niya kasing sumali sa pa-contest ng Show Time- ang Tawag ng Tanghalan (Kids Edition). Ang batang nasa viral video ay kinilalang si Zildjian James A. Parma ng Polangui South Central School. Nakatanggap ng magagandang komento ang video ni James mula sa mga nakapanood. Anila ay napakagaling niyang kumanta. Sana ay makita raw nila ito na kumakanta sa tawag ng Tanghalan. Kaya't sana lang ay may tumulong sa kanya para mangyari ito. Idinagdag pa ng ilang netizens na ipagpatuloy lang nito ang kanyang pangarap at balang-araw ay may maganda ring mangyayari sa kanyang buhay.      Pero meron ding mga nag-alala sa bata dahil mag-isa lang itong lumuwas ng Maynila. Napakadelikado ng k...

Barangay Election, Dapat nga bang Ipagpaliban?

      Mainit ngayon na pinag-uusapan ang pagpapaliban sa barangay election ngayong taon. Huli itong isinagawa noong 2013. Balak kasi ng pamahalaan ni Duterte na huwag na munang matuloy ang barangay election para makatipid ang gobyerno. Kapag 'di ito natuloy maaaring ang mga mayor na lang ang pumili ng kanilang magiging kapaitan sa isang barangay. Marami ang 'di sang-ayon sa balak na ito ng pamahalaan dahil lubhang delikado. Ayon kay sa dating senador na si Nene Pimentel ay nakakabawas ito sa demokrasya. Ginawa na ito noon ni Pangulong Ferdinand Marcos.Hindi naman daw lagat ng nasa LGU o ang mapipiling barangay captain ay matitino. Apatnapu't porsiyento nga raw sa mga barangay captain sa bansa ay sangkot sa iligal drugs. Maging ang ilang kaalyado ni Pangulong Duterte ay tutol din dito. Katulad ng senador na si JV Ejercieto, inaasahan daw ng mamamayan na matutuloy ang barangay election kaya't dapat lamang ito na isagawa.          Maaar...

Lalaki, Patay Matapos Tumalon sa 4th Floor ng Isang Mall sa Cainta

Photo Credit to Kian P. Sen Full    Isang lalaki ang patay matapos itong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng Sta. Lucia East Mall sa may Cainta, Rizal.         Ayon sa Facebook user na si Kian Sen, nasa mall siya ng hapon noong March 24 nang bigla na lang may kumalabog nang malakas. Yun pala ay may tao nang tumalon galing sa itaas. Nakita na lang ng mall goers na putok ang ulo ng 'di pa nakikilalang lalaki.      Hindi ito ang unang pagkakataon na may tumatalon o nagpapatiwakal sa loob ng mall. May mga insedente na rin na napaulat na mga tumalon sa ilang branches ng SM Mall.       Ayon sa mga kuru-kuro, paraan nila ito upang makuha ang simpatya ng maraming mga tao kaysa lumisan sila na kakaunti lang ang nakakaalam.     Samantala, ipinapayo naman ng mga psychiatrist na kung napapansin ang isang kaanak o kaibigan na dumadaan sa matinding depression ay kausapin ang mga ito at iparamdamna may nagpapahalaga s...