Skip to main content

Posts

Duterte, Tinawag na Hipokrito ang Simbahang Katoliko!

        Tinawag ni Presumptive President-elect Rodrigo Duterte ang Simbahang Katoliko na pinaka-hipokritong institusyon sa harapan ng mga media sa Davao. Ito ang kanyang naging banat sa mga bumubuo ng Catholic Bishop's Conference of the Philippine na nanawagan na huwag siyang iboto noong May 9. Matatandaang bago mag-eleksyon ay ikinampanya ng ilang mga opispo na huwag iboto ang kandidatong mayroong mababang moral, walang respeto sa karapatan ng iba at wala ring respeto sa Simbahan. Bago ito, nauna nang binatikos ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archibishop Socrates Villages si Duterte dahil sa pagmumura nito kay Pope Francis dahil sa trapik na naging sanhi ng kanyang pagbisita noong buwan ng Enero. Binatikos din nang nasabing arsobispo si Dutere dahil sa naging pahayag nito hinggil sa pagpatay sa mga kriminal. Ayon kay Duterte, ang eleksyon ay nagsilbing referendum sa pagitan niya at ng Simbahang Katoliko. Aniya, "Sabi ko, this will be a referendum kun...

Bongbong Marcos, Dinadaya Raw sa Bilangan?

       Tapos na ang botohan, pero mainit pa rin ang mga taga-suporta ng mga kandidato. Sa partial na bilangan sa pagka-presidente, malayo na ang agwat ni Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang mga katunggali. Habang dikdikan naman ang labanan sa pagka-bise presidente, sa pagitan nina Leni Robredo at Bongbong Marcos. Usap-usapan ngayon sa social media, ang pandaraya o pagmamanipula diumano ng administrasyon sa resulta ng boto ng pagka-presidente. Ayon sa mga kritiko, alam nilang malabong manalo si Mar Roxas sa pagka-presidente kung kaya't ang pagka-bise ang target na makuha ng Liberal Party. Bahagi diumano ito ng kanilang Plan B. Kapag naupo raw si Robredo, tatrabahuin nilang maipa-impeach si Duterte, sa tulong ng kanilang mga kaalyado sa Kongreso. Kinukuwestiyon ng mga taga-suporta ni Marcos kung saan nakuha ni Robredo ang kanyang mga boto gayung wala naman itong solid supporters. Hindi kagaya ni Marcos na suportado ng maraming samahan gaya ng Iglesia ni Cristo, E...

Mga Supporter ni Roxas, Minaliit ang Bilang ng Mga Dumalo sa Rally ni Duterte sa Luneta

Minaliit ng mga taga-suporta ni Mar Roxas ang bilang ng mga dumalo sa political rally ni Mayor Rodrigo Duterte, pambato ng PDP Laban. Ayon kasi sa kanila, 'di totoo na nasa isang milyong katao ang dumalo sa rally ni Duterte. Ayon sa mga taga-suporta ni Mar Roxas, naglabas ng datos ang Philippine National Police (PNP) ng bilang ng mga taong dumalo sa kani-kaniyang rally ng predentiables. Lumalabas na si Roxas diumano ang may pinakamadaming bilang ng mga dumalo. Tinatayang ito ay nasa 150 thousand na katao. Samantalang si Duterte ay nasa 140 thousand lamang. Sinundan ito ni Grace Poe na dinaluhan ng 12 thousand katao. Habang si Binay naman ang may pinakamababa atendee na dinaluhan lang ng 10 thousand na katao. Sinabi pa ng ilan sa taga-suporta ni Roxas, na ipagpalagay ngang maraming dumalo sa rally ni Duterte sa Luneta. Wala pa rin namang kasiguruhan kung siya na nga ang magwawagi sa mga presidentiable. Alalahanin diumano ang nangyari kay Brother Eddie Villanueva na napuno ...

Duterte, Bubuwagin ang Kongreso Kapag Naging Pangulo?

Photo Credit to gmanetwork.com          Painit nang painit ang palitan ng maanghang na salita sa pagitan nina vice-presidential candidate Antonio Trillanes III at presidential candidate Rodrigo Duterte. Ito ay matapos banatan ni Trillanes si Duterte na mayroong diumano itong itinatagong bilyong pisong yaman sa kanyang bank account.  Pinagbantaan pa ni Trillanes na ipapa-impeach niya si Duterte kung sakaling manalo ito sa pagka-pangulo. Agad naman itong sinagot ni Duterte at sinabing handa siyang buwagin ang Kongreso kung ipapa-impeach nga siya ni Trillanes. "Pag i-impeach ako, sabi ni Trillanes, eh 'di isara ko 'yang Congress. Eh, 'di wala nang mag-impeach sa akin," sabi ni Duterte sa kanyang political rally sa Bataan noong Huwebes. Binanggit pa ni Duterte ang dating Pangulong Ferdinand Marcos na iba naman ang panahon ng Martial Law. Ang sa kanya naman, bubuwagin niya ang Kongreso dahil gusto siyang patalsikin ng mga ito. Wala diumanonng maga...

Bongbong Marcos, I-endorso nga ba ng Iglesia ni Cristo?

Kinumpirma ni Bongbong Marcos, tumatakbo bilang bise presidente na ang nakipagkita siya kay INC Prime Minister Eduardo Manalo. Pero hindi niya ibununyag kung siya na nga ba ang susuportahan ng pamanuan ng Iglesia sa darating na halalan. Ayon kay Bongbong, marami silang napag-usapan ni Ka Eduardo. Kung sino diumano ang dadalhin ng Iglesia ay sila na ang bahalang mag-anunsiyo nito sa publiko. Nauna nang bumisita ang iba pang kandidato sa Central Temple na nagsisilbing main office ng INC. Kabulang na rito ang mga presidential candidate na sina Manuel Roxas II, Senator Grace Poe, Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Bali-balitang iba raw ang nangyari kay Marcos dahil siya mismo ang pinatawag ni Ka Eduardo sa pamamagitan ng staff nito. Inimbitahan siya diumano ng pamunuan ng Iglesia na magtungo sa kanilang head office. Hindi kagaya sa ibang mga kandidato na sila ang kusang pumunta sa Central Temple para bisitahin si Ka Eduardo. Ayon kay Marcos, ...

Limang Paaralan sa Maguindanao, Pinasabugan!

        Limang paaralan ang hinagisan ng pampasabog sa Sultan Mastura, bayan ng Maguindanao noong madaling araw ng Miyerkules (Abril 27).   Ayon sa mga otoridad, ang serye ng pagpapasabog ay nangyari sa Darungan Elementary School sa Barangay Dagurungan, Tuka Elementary School sa Barangay Tuka, Darping Elementary school sa Barangay Macabiso, Day Care Center sa Barangay Tariken at sa Simuay Seashore Elementary School sa Barangay Simuay. Nakakita ang mga otoridad sa mga pinasabugang paaralan ng dalawang safety levers ng granada, walong piraso ng basyo ng 7.62MM, mga bahagi o pira-piraso ng metal at blue container.  Ang pinakamatinding napinsala sa mga hinasagisan nang pampasabog ay ang Simuay Seashore Elementary School kung saan ay walong kompyuter ang nasira. Samantalang wala namang napinsala sa Dapling Elementary school.   Ang nasabing mga paaralan ay nakatakdang maging polling precint sa darating na eleksyon. Ayon kay Police ...

Nald: A Kid With Big Ambitions

A small town kid with big ambitions, this is what best describes 17-year old Ronaldo “Nald” Dapena who is one of the members of the Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) football team. He came from San Antonio, Delfin Albano, Isabela, which is considered as one of the poorest barrios in the area. The third of five siblings, Nald’s father works as a farmer while his mother works part-time at a local bakery.  “Medyo mahirap din po ang buhay namin pero kahit paano po nakakaraos naman po kami sa pang araw-araw at kung may pagkakataon, tumutulong din po ako sa aking ama sa bukid,” says Nald. Aware of their difficulties in life, Nald often finds solace in playing the sport he fell in love with at a young age, “Ten years old pa lang, naglalaro na ako ng football at madalas akong sumali sa Intramurals sa school. Nakapaglaro na din po ako sa mga Provincial Meets. Doon po ako nadiskubre ng coach po namin ngayon na si Mr. Alexander Tabubuca,"...