Skip to main content

VIRAL: Misis, Hinihimas ang Nota ng Mister Habang Angkas ng Motorsiklo

                            
               Ang pagpapalabas ng init ng katawan ay may tamang oras at lugar. Hindi maaaring kung saan abutan ay doon na lang iraraos ito. Ilang beses na tayong nakarinig o nakapanood ng video ng mga tao na ‘di mapigil ang kati sa katawan kahit nasa pampublikong lugar.

            Viral ngayon ang isang misis na nakuhanan ng video na hinihimas-himas ang ari ng mister habang nakaangkas sa motorsiklo. Makikita sa video na habang traffic ay hinahawak-hawakan ni misis ang harapan ng pantalon ng kanyang mister. Gayung maaaring may makakita ng kanyang ginagawa.

            Ang nasabing iskandolosong video ay ibinahagi ng Facebook page na Rod Stories na nag-u-upload ng kahit ano’ng video na may kinalaman sa mga nagaganap sa kalsada.


            Iba’t iba ang reaksyon ng mga netizen na nakapanood sa video. Masyado raw iskandolosa ang babae. Ito raw ang katunayan na hindi lang lalaki ang marunong mangmanyak kundi pati na rin ang babae. May nagbiro pa na nangangati lang ang ari ni mistir at ipinapakamot lang ito sa asawa. Wala naman kasing inilabas na 'di kaaya-aya sa paningin.


            Meron din namang nagagalit sa nag-video ng mag-asawa dahil wala raw itong respeto sa kapwa tao. Pakialam daw ng iba eh mag-asawa naman daw silang dalawa. Anila’y huwag magpanggap na malinis. 

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Pamilya na nakakuha ng 6,700 na ayuda sa DSWD, timbog sa Droga!

Timbog ang apat na katao na magkakapamilya matapos silang mahuli sa buy bust operation na isinagawa sa Tatalon, Quezon City. Ito ay sa kabila nang umiiral na Enhance Community Quarantine, nagawa pa rin nilang makipagtransaksyon. Ang mga nahuli ay sina Elvie Flores kasama ang kanyang dalawang anak na sina Angelo at Natalie pati na rin ang balae nito. Ayon sa pulisya, ang mga anak ni Elvie ay kanyang ginagamit para maging taga-abot ng droga. Habang ang balae naman ay gumagamit at kumukuha o nagbibenta rin. Nakuha mula sa kanila ang labintatlong sacchet ng shabu na may street value na 30 thousand pesos. Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagtutulak kasabwat ang kanyang mga anak. Ito na raw ang kanyang ipinambuhay sa mga anak dahil wala siyang asawa. Sinabi rin ng pulisya na si Elvie at balae nito ay benepisaryo ng 4ps at parehong nakatanggap ng 6,700 mula sa DSWD na ginamit nila diumanong puhunan para sa iligal na negosyo.