Skip to main content

Mahalin ang Kalikasan


Kalikasan. Isang bagay na nilikha ng Diyos para satin. Nilikha para ating alagaan, pahalagahan at mahalin. Ang kalikasan ang nagbibigay sa atin ng buhay. Dito nagmumula ang ating mga sariwang prutas at gulay na galing sa mga puno. Sa pamamagitan din ng mga puno kaya tayo'y ay malayang nakakahinga. Mga puno rin ang nagsisilbing tahanan ng napakaraming uri ng hayop lalo na ng mga ibon. Ang mga isda na masusustansya ay ang kalikasan din ang nagbibigay na matatagpuan natin sa mga karagatan, ilog at iba.

Tunay ngang napakaraming naidudulot sa atin ng kalikasan.  Hindi natin pansin ngunit napakalaki ng pakinabang natin dito. Kung hahayaan natin na ipagsawalang bahala na lang natin ito, maaaring ito na rin ang ating magiging katapusan. Isipin na lng natin kung patuloy nating gagawin ang mga aktibidad na makakasira ng ating kalikasan. Paano na lang ang susunod na mga henerasyon? Hahayaan na lang ba natin na ang ating mga magiging anak at apo ay wala nang makitang magagandang tanawin? Hahayaan na lang ba natin na hindi na nila maranasan ang makalanghap ng sariwang hangin? At sa tingin n’yo ba ay mabubuhay tayo ng walang kalikasan?

Sa panahon ngayon, tila marami na sa atin ang nakakalimutan kung paano ingatan ang kalikasan at hindi na ito pinapansin. Talalamak na ngayon ang pagpuputol ng mga punong kahoy na nagriresulta kung bakit tayo ay nalulubog sa mga baha. Nandiyan din ang pagmimina at pagkakaingin  na nagdadahilan nang pagkakalbo ng ating mga kagubatan. Ang iligal na pangingisda o ang pangingisda gamit ang dinamita ay nagdudulot din nang pagkasira ng kalikasan.

Isa rin sa mga dahilan ay ang mga nagtataasang industriya na naglalabas ng masamang usok na siyang nagiging dahilan kung bakit bihira na tayong makalanghap ng sariwang hangin. Kahit sa simpleng pagtatapon natin ng basura kung saan saan ay nagiging sanhi rin ng pagkasira ng kalikasan. Sa ganitong mga paraan hindi natin namamalayan na winawasak na natin ang kalikasan. Nasisira na natin ang libu-libong tirahan ng mga hayop. Ang tanging iniisip na lang natin ay ang sarili nating pakinabangan o kasiyahan.


Huwag natin hayaan na patuloy na mangyari ang pagkasira ng kalikasan. Gumawa tayo ng paraan para maiwasan ang mga ganitong gawain. Magtanim tayo ng mga puno at iba pa upang mabalik ang kasiglahan ng kalikasan. Hindi pa huli ang lahat, marami pa tayong magagawa. Lagi lang nating isipin na ito ay ginawa ng Diyos para ating ingatan, pahalagahan at mahalin. Walang ibang makikinabang dito kung di tayo din kaya tayo rin ang may karapatan para ito'y  pahalagahan. Sana sa simpleng ganitong paalala ay makatulong ako sa pagtatanggol ng ating kalikasan. Mahalin natin ito.
-Justine San Juan
  ABM-11-YEN

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...