Humingi na ng sorry ang internet sensation star na si Kaysee Gregorio o mas kilala bilang 'Dyoga Girl' sa mga tao na nasaktan dahil sa bago niyang video. Matatandaang nag-post ito ng kanyang spoof ng viral song na Pen Pineapple Pen ng Japanese comedian na si Piko-Taro.
Sa bersiyon ni Dyoga ay ginawa niya itong Dyoga pen at Flower Pen habang tila itunutusok ang ballpen sa maseselang parte ng kanyang katawan. Dahil dito, umani siya nang pambabatikos mula sa mga netizen lalo na ng mga kababaihan. Ayon sa kanila ay hindi magandang tingnan ang kanyang ginawa dahil nakasisira ito ng imahe ng kababaihan.
Ipinaliwanag ni Dyoga Girl na character lamang si 'Dyoga Girl' at malayo sa tunay niyang katauhan. Siya raw ay isang simpleng mamamayan sa Amerika na mayroong dalawang disenteng trabaho. Siya raw ang tipo ng babae na trabaho-bahay lang ang tinitigilan. Inamin niyang nagkamali siya sa kanyang ginawa kung kaya't humihingi siya ng paumanhin. Kung anuman ang mga krisismo na ibinabato sa kanya ng mga netizen ay tinatanggap niya ito. Wala naman daw siyang ibang hangad kundi ang makapag-entertain sa mga tao.
Napagpaspasyahan na rin ng dalaga na ititigil na niya ang kanyang pagiging 'Dyoga Girl'. Pero asahan na ng kanyang mga follower na lilikha siya ng bagong character na malayo sa imahe ni 'Dyoga Girl'.
WATCH THE VIDEO HERE: