Skip to main content

Piracy Talk

 
      Kapag sinabing plagarism ito ay isang uri ng krimen na may kinalaman sa pagnanakaw ng gawa ng may gawa partikular na sa mga sulatin.  Mas masahol pa ito sa panggagaya. Tandaang iba ang kinopya sa ginaya lang. At least kapag ginaya alam mo na kahawig lang ito. Hindi kagaya sa plagarism na talagang word by word. Mga nagpapanggap na gawa nila kahit hindi naman. Kaya’t kung manggagaya lang naman huwag naman sanang word by word. Tama na yung thoughts lang. Baka lumabas na maganda pa ang ginawa mo sa pinaggayahan mo. Naks, galing, no? Kunsabagay, kilala naman tayong mga Pinoy sa panggagaya at nabubuhay tayo sa bayan kung saan laganap ang pamimirata. Boss, dividi, dividi kayo r’yan!
   Talagang napakalawak ng usapin sa plagarism. Maging ang mismong ideya nga kapag ginaya mo ay puwede kang maakusahan ng pamimirita. Sa dami kasi ng tao sa mundo ay imposibleng ikaw pa lang ang unang nakaisip ng isang bagay. Pero kung obvious namang ginaya galing sa iyo aba’y dapat lang na pumalag ka. Halimbawang ginamit ang iyong isinulat na kuwento, sanaysay, etc. Ok lang sana kung may credit ka kahit di ipinagpaalam. Wala ring masama kung ang obra mo ay nagbigay daan para gumawa rin ang isang artist ng kagaya ng tema mo. Wala namang may monopolyo ng ideya at tema kung tutuusin. Dapat nga proud ka pa nun dahil mayroon kang naimpluwensiyahan. Sa lakas nga lang ng impluwensya mo ay di na lumikha ng istilo ang nanggaya sa iyo. Kung style lang naman ang pag-uusapan ay marami naman ang magkakapareho. Nasa tao na lang din ang pagtanggap.
     Puwede na ring pagpasensyahan ang mga nangongopya na hindi inilagay ang pangalan mo dahil di ka naman nagpakilala na ikaw ang gumawa ng kung anumang klase ng sining yan. Pero kahit nagpakilala ka pa kung ayaw ka namang i-recognized ng gumamit ay lalagyan niya ng Anynomous ang gawa mo. Pero ang mas masama ay inangkin ang gawa mo dahil ipinagalan sa kanya. Hmm, naranasan ko na rin yan. May nangopya ng ginawa kong tula at nilagyan pa orihinal na gawa niya raw yun. Ang kapal, hehe. At ano naman ang ginawa ko. Ayun, ipinaalam ko sa namirata na kinopya niya lang yun sa akin. Deadma lang naman ang loka. Baka gusto lang magbida sa mga kakilala. Dibaleng mangopya, ang importante ay ang makapagpasikat. Ang tipo ng tao na ganito ay mang-aagaw ng kredito. Parang lang isa sa katrabaho mo na nagpatulong sa iyo o sadyang ipinasa ang kanyang trabaho. Nang naging maganda ang kinalabasan ay ibinida sa boss n’yo na siya lang ang may gawa nu’n. Sarap sapakin, ‘no?

     Sa modernong panahon ngayon, laganap na talaga ang pamimirata. Iyan ay dahil sa internet, aba’y i-copy paste mo lang ang gawa ng iba ayos na.  Ginawa ang internet para pakinabangan ng sangkatauhan. Para maibahagi ng iba ang kanilang nalalaman samantalang ang iba ay para kumalap ng samu’t saring impormasyon. Pero sana man lang ay ilagay ang source kung saan ito kinuha. Hindi yung ipinagmamalaki na parang sa iyo nanggaling ang ginawa mong report. Aba’y napakagaling mo naman kung ganun. Mahirap bang mag-copy-paste?

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...