Ang
Hasht5 ay binubuo ng limang kabataan
mula sa bayan ng Cavite na pumupormang mga tila boy band. Itinatanong ng ilan
kung sila na ba ang papalitsa Chicser o baka naman sila ang Pinoy Version ng F4
(naging lima nga lang sila). Pero napansin sila hindi dahil sa kanilang talento
kundi dahil sa kanilang porma o hitsura. Sa loob lang ng ilang araw ay ang
bilis dumami ng kanilang likes sa Facebook. Nang una ko itong makita ay nasa
50k plus na tapos isang araw lang ang lumipas ay umabot na agad ito ng 100k
plus. Pero sa mga likers, kapansin-pansin na mangilan-ngilan lang ang totoo
nilang fans dahil karamihan ay puro bashers. Samu’t saring panlalait na ang
ibinato sa grupo lalong-lalo na kay Marlo Yanz Arizala na ginagamit pa sa
comment picture ang kanyang litrato noong kulay pula pa ang kanyang buhok.
Ilan
lang sa mababasang komento sa fan page ng Hasht5 ay “ibalik n’yo ang ninakaw n’yong
cp, kahit sim na lang,” “mag-ingat, mga mandurukot ‘yan”, “puwede ba akong
sumali sa grupo n’yo dahil ‘di rin ako naliligo” “ang ganda na sana ng araw ko
kaso bumungad pa kayo” at kung anu-ano pang klase ng pang-iinsulto. Kumbaga,
inulan nang husto ng thrash talk ang page ng grupo dahil sa lakas ng kanilang
self-confidence. May mga nagpapayo pa nga sa kanila na itigil na nila ang
kanilang ginagawa dahil puro pambu-bully na ang inaabot nila mula sa netizens. Pero
mukhang ‘di naman ito iniinda ng Hasht5 dahil sumasagot pa nga si Marlou sa mga
komento ng mga tao sa kanila.
Kalakaran na ba talaga ngayon sa social media ang
pagpapasikat? Gagawa ng video para mapag-usapan lang. Minsan hindi na
importante kung may katuturan ba o wala ang pinaggagawa. Ang importante ay
mapansin ng mga tao kahit pa puro pambaba-bash ang matanggap nila. Bago ang
Hasht5 nauna nang sumikat ang Pabebe Warriors na puro pamba-bash din ang inabot
mula sa netizens dahil sa beast mode nilang video na animo’y may importanteng ipinaglalaban.
Imbes na indahin nila ang pamba-bash sa kanila ay naging daan pa ito para makilala sila nang husto.
Nagkainteres din kasi sa kanila ang mga giant network at ginaya pa ng mga
artista ang kanilang video. Dina-dubsmash pa nga ito sa Kalye Serye ng Eat
Bulaga. Baka ito rin ang dahilan kung bakit binabalewala ng Hasht5 ang mga
pamba-bash sa kanila. ‘Ika nga ni Marlou, ang mga basher mismo ang nagpapasikat
sa kanila.
Matatandaang
sa isang panayam ng media kay Vice Ganda, sinabi niya sa showbiz industry basta’t napapag-usapan ka ay relevant ka pa
rin. Pabor man ito sa iyo o hindi. Kumbaga, good or bad publicity is still
publicity. Aminin man natin o hindi, marami namang papansin sa internet, pero
iba talaga ang entrada ng Hasht5. Hindi lang basta kakaibang talent ang
hinahanap ng mga netizen ngayon, kundi naghahanap din sila ng mapapagkatuwaan. Pero
sana lang, huwag tayong masyadong maging harsh sa kapwa natin. Hayaan lang
natin sila sa trip nila lalo na’t ang ginagawa ng grupo ay katuwaan din lang.