Skip to main content

Tips Para Mawala ang Pagkatorpe


  Ang pagiging mahiyain na rin ng isang lalake ang dahilan kung bakit ito nagiging torpe. O di kaya'y ayaw makaranas ng rejection dahil takot masaktan. Pero karaniwan hindi malaman ng torpe ang gagawin para iparamdam ang tunay na saloobin, 'di kasi marunong manligaw. Kung isa kang torpe narito ang ilang tips para maka-move ka na!

- Dahil sa ang sarili mo ang iyong ibinebenta kinakailangang maging malinis sa pangangatawan at maging mabango. Siyempre, magbihis ng maayos and'yan man o wala ang nililigawan. Sino ba naman ang may gusto sa taong maruming tingnan o dugyutin?Baka sa unang sabak mo palang turn off agad sa iyo ang girl.

-Mahalagang kilalanin mo ang iyong nililigawan para malaman mo ang kanyang ugali. Nang sa gayun ay madali na para sa iyo ang mag-adjust. Alamin din kung anu-ano ba ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Kung ano ba ang hilig niyang gawin, kainin, etc. Kung hilig niyang kumain ng tsokolate eh 'di bumili ka saka mo ibalot sa magandang lalagyan with matching sweet messages para kiligin ang nililigawan. Huwag basta-bastang magbibigay ng bulaklak, may mga girl kasi na ayaw nila ng bulaklak dahil nababaduyan sila.

-Maging mabait hindi lamang sa nililigawan pati na rin sa mga taong nakapalibot sa kanya lalo na sa kanyang pamilya. Importanteng makisama para magustuhan ka rin nila. Kapag nakuha mo kasi ang suporta nila sila pa ang magsusulsol sa girl na bigyan ka ng chance.

-Huwag kalilimutang maging gentlemen, 'yun bang lagi kang nakaalalay sa kanya. Tulungan mo siyang magdala ng mga gamit niya, papayungan kapag umuulan, etc. Kumbaga ilagay mo siya sa pedestal para maramdaman niyang siya ang pinakamalagang girl para sa iyo.

- Mahalaga rin ang pagkakaroon ng sense of humor para hindi siya maboring kapag kausap ka niya. Kapag palagi mo siyang napapatawa ibig sabihin magaan na ang loob niya sa iyo. Huwag matatakot na magmukhang korni, ang dapat mo lang iwasan ay 'yung makapagbiro ka ng hindi tama.

-Kapag mayroon kang mga karibal huwag masisindak, makipagsabayan ka sa kanila. Huwag ma-insecure kung mas guwapo sila sa iyo o mas angat sa buhay. Basta ipakita mo lang na mas karapat-dapat ka sa kanya. Makauungos ka sa kanila kapag mas lagi mong nakakasama ang girl. Kaya't maglaan ng maraming oras para sa kanya. Iwasang gumamit ng tulay sa panliligaw lalo na't kapag tulad mong boy baka dahil ito pa ang maging kaagaw mo sa pag-ibig.

- Ito ang huwag mong gagawqin sa panliligaw-ang maging mayabang at kuripot! Bad shot ka sa girl kapag hambog ka dapat humble ka lang. IIsipin niya kasing kayang-kaya mo siyang makuha sa tayog ng iyong mga pangungusap. 'Yun nga huwag maging kuripot, kapag magkasama kayo ng girl huwag mong hahayaan gumastos ang girl at huwag mo rin siyang gugutumin. Tandaang sa panliligaw, hindi lang laway ang puhunan kailangan mo rin ng pera. Okay?

'Yan ha siguro naman sa mga sinabi ko nagkaroon ka na ng ideya kung paano manligaw. Malalaman mo naman kung may chance ka sa girl batay sa kanyang ipinapakita. Basta ikaw do your best lang, after all siya ang magdi-decide kung sasagutin ka niya o hindi. Maging handa ka lang sa anumang resulta dahil sa larangan ng pag-ibig may nabibigo at nagtatagumpay.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...