Skip to main content

Tips Para Iwas Sleep Disorder


Mahalaga ang pagtulog dahil kinakailangan ito ng ating katawan para makapag-reserba ng lakas para sa araw ng bukas. Mapapansing kapag kulang sa tulog ang isang tao ay ‘di rin maganda ang performance nito sa pag-aaral, trabaho o sa kung ano pa mang bagay. Kaya’t mahalaga talaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog. Inirerekomenda ng mga duktor na matulog ng walong oras kada-gabi. Ngunit nakadepende na rin ito sa kung ano’ng edad mayroon ang isang tao.

May mga bagay na nakaaapekto sa kalidad ng ating pagtulog. Ilan na rito ay ang pag-inom ng alcohol. Bagama’t nakakapagpatulog nga ito ay ‘di naman maiiwasan na magigising ka sa dis oras ng gabi kaya’t maiistorbo rin ang pagtulog. Kapag naparami pa ng inom ay siguradong maya’t maya ay panay ang ihi.

Siyempre pa, kapag uminom ng kape sa hapon o ‘di kaya’y sa gabi ay siguradong mahihirapang matulog dahil na rin sa caffeine na taglay nito. Nagsisilbi kasi itong hadlang sa adenosine, parte ng neurotransmitter na tumutulong para sa pagkakaroon ng magandang tulog. Huwag ding uminom ng mga energy drink kapag malapit ng matulog. Bagay lang ang ganito sa mga taong ang trabaho ay sa gabi, para manatili silang gising, ika nga.

Iwasan din ang makinig ng radyo habang natutulog. May mga tao kasi na ito ang ginagawa nilang pampatulog. Oo nga’t makatutulog, pero dapat din namang isipin ang mga kasamahan sa bahay o ‘di-kaya’y kapitbahay na ‘di sanay sa ganitong sistema. Isa pa, siguradong maalimpungatan din dahil sa tunog ng radyo. Mainam pa rin talaga ang tahimik na paligid para maging mahimbing ang tulog.

Siguraduhin ding komportable ang iyong tulugan. Kapag mainit ay siguradong mahihirapang matulog. Electric fan lang naman ang kapatat nito. Para maging presko rin ang pakiramdam ay magsuot ng komportableng damit. 

Para maging maging maayos ang pagtulog ay ugaliin ding mag-ehersisyo para manatiling malusog ang katawan. Huwag nga lang mag-i-ehersisyo bago matulog dahil siguradong magiging aktibo pa ang iba’t ibang parte ng iyong katawan. Ini-rekomenda ng mga eksperto bukod sa pag-i-ehersisyo sa umaga, mainam ding mag-ehersisyo tatlo o apat na oras bago matulog.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...