Skip to main content

Sabit sa Kuko ng Peligro


Hindi biro ang sumabit sa mga dyipni dahil bukod sa ito ay nakakangawit ay kaakibat din nito ang peligro na ‘di na inaalintana ng mga sumasabit. Dahil kung hindi nga naman ito gagawin ay aabutin ng siyam-siyam sa kalsada. Pabor din ito sa mga babae dahil kung hindi sasabit ang mga magiginoo ay hindi sila makakaupo kapag rush hour. Lalong pabor sa mga drayber dahil pinakabonus na nila ang pagkakaroon ng mga sabit.

Sa isang dyipni, pinakamarami na ang sampung bilang ng mga nakasabit. Talaga namang nagkakasiksikan at patibayan na lang ng katawan para makayanan ang mahabang biyahe. Bukod pa rito ay expose sa matinding sikat ng araw o ‘di kaya’y sa ulan. Iba’t iba ang istilo ng mga nakasabit, mayroong isang paa na lang ang nakasampa, mayroon din nasa pinakagilid na at mayoong pang kahit walang istribo ay nakasampa pa rin sa mataas na bakal ng likurang bahagi ng dyipni. Overloaded na ang ganito pero ang mga drayber dahil hapit din ay pasakay pa rin ng pasakay kahit puno na ng sabit. Sa ibang bansa ay mahigpit na ipinagbabawal ang overloaded sa mga sasakyan. Mayroon nga akong nasakyan na sa kakatawag ng konduktor ng pasahero ay siya ang muntikang ‘di na makasabit!

Dalawang beses na rin akong nakakita ng dyipni na sinalpok ng kasunod na sasakyan. Mabuti na lamang at nagkataong walang sabit . Pero hindi laging ganito dahil mayroon akong nabalitaan noon na isang mamang nakasabit sa may Mayamot, Antipolo City na nasalpok ng kasunod na sasakyan ang dyip na kanyang pinagsabitan. Kaya’t ang resulta ay naputulan siya ng isang binti.

Sadyang ‘di natin malalaman kung kailan magkakaroon ng peligro. Pero may ilang simpleng pamamaraan na makakatulong kapag nakasabit ka para iwas-peligro. Ika nga, mas maganda na rin ang nag-iingat. Unang-una, kapag nakasabit ka sipating mbuti ang kakapitang bakal dahil baka malapit nang matanggal sa pagkaka-welding. Para makasiguro, dalawang bakal ang kapitan. Sakali mang bumigay ang isa at least ay nakakapit ka pa rin. Naranasan ko na kasi ang ganito, mabuti na lamang at nakahinto ang sinasakyan kong dyip. Isa pa, kapag may mga bumabang pasahero ay pumasok agad lalo na’t malayo pa naman ang bababaan. Huwag ding magpatalun-talon kapag bumababa ng dyip dahil kapag nagkamali ng bagsak ay maaring matumba at masagaan pa ng kasunod na sasakyan. Kapag bababa ay mag-abiso sa konduktor at drayber at ugaliing magsabi ng “sandali lang, bababa ako.” May mga drayber kasi na nagpapatakbo agad palibhasa ay sabit ang bababa kaya’t iniiisip na sobrang bilis itong makabababa. Ang pinakaimportante, laging talasan ang pakiramdam sa mga kasunod na sasakyan.

Anu’t anuman patuloy pa rin ang buhay-sabit nating mga kalalakihan. Dahil kailangan nating maglakbay at makarating sa ating mga destinasyon. Ooops, mama, para!

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...