Skip to main content

Philippine Science Centrum: Interaktibong Pasyalan Para sa Agham at Teknolohiya



            Kung mahilig o may interes ka sa science, maaari mong bisitahin ang Philippine Science Centrum na matatagpuan sa Marikina. Dahil bukod sa may matututunan ka na ay malilibang ka pa. Sino ang may sabi na boring ang science? Kahit nga ‘di ka mahilig sa siyensya ay maa-appreciate mo rin ang lugar na ito dahil interactive ang mga bagay na makikita rito.


            Ilan lang sa mga highlights dito sa museum ay ang kanilang humangyro kung saan ay puwede mo itong sakyan at papaikutin ka. Sabi ng mga nakasubok na ay kakaiba ang pakiramdam habang sila ay iniikot, nakakahilo pero masaya. Para ka na ring sumakay sa feris wheel.

            Magmimistula ka namang performer sa magic sa head on platter dahil kung titingnan ay parang pugot ang iyong ulo. Ang kailangan mo lang gawin ay sumuot ka sa parang cabinet at presto ulo na lang ang makikita sa iyo!


             Tatayo naman ang buhok mo sa van de graff generator kapag hinawakan mo. Hindi dahil sa gagapangan ka ng takot kundi dahil sa enerhiyang taglay nito.

            Meron ding distorted room sa museum. Kailangan ay dalawa ang taong papasok dito tapos sisilip ang nasa labas. Mamangha kayo sa makikita n’yo dahil ang isa ay maliit habang ang isa naman ay malaki. Kahit pantay naman ang sahig na tinatapakan sa loob ng kuwarto. Siyempre pa, dala rin ito ng ilusyon. Parang ‘yung magic mirror lang na kapag tinatapatan mo ay parang nahahati ang iyong katawan. Magic ba? Hindi ah, bunga ito ng science.

            Ibang klase rin naman ang iba pang kuwarto sa loob ng museum. Meron dito na kapag hinawakan mo ang dingding ay maiiwan ang iyong anino. Akala pa naman natin na kahit kailan ay hindi hihiwalay sa atin ang anino natin. Tapos sa isa namang kuwarto, magkakaroon ng kulay ang iyong anino.




            Kung kuryente ang pag-uusapan, meron din tungkol n’yan sa museum na ito. Makakakita ka rito ng buhay na kuryente as in ‘yung kuryente na hindi nakabalot sa wire. Siyempre, para itong apoy na kikislap-kislap. ‘Yun bang parang na nakikita natin sa mga nagwi-welding. Meron din dito na tinatawag na finger tingler. Dito kailangan ay may mga kasama ka tapos maghawak-hawak lang kayo ng mga kamay. Kapag pinindot na ang makina ay makakaramdam kayo ng ground ng kuryente. Pero don’t worry, ‘di naman masakit dahil mahina lang.



            Bukod sa mga nabanggit ay marami pa kayong makikita sa loob ng museum. Nagkakahalaga lang ng 130 ang entrance fee  kaya’t ‘di mabigat sa bulsa. Minsan ay nagkakaroon din ng science show dito kaya’t maganda talaga itong puntahan. Bukas din ito para sa mga school activities at corporate events, mga training at seminar na may kinalaman sa science.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...