Skip to main content

Museum of Miniatures: Halina ng Mumunting Bagay


              Nakakita ka na ba ng magagandang miniatures? Kung hindi pa, bisitahin mo ang Museum of Miniatures na matatagpuan sa bayan ng Marikina. Mamamangha ka sa mga koleksyon na makikita mo rito dahil ang galing ng pagkakagawa. Para kasing totoo ang mga item dito, na kapag piniktyuran mo nang malapitan ay ‘di mo aakalaing miniature lamang ang mga ito. Nasa anim na libong items ang naka-display dito na miniatures. Aba’y talaga namang napakarami kaya’t magsasawa ang iyong mga mata sa katitingin.





                Ang mga miniature na nakadisplay sa museum ay bahagi ng koleksyon ng miniature artist nang namayapa ng si Aleli Vengua. Karamihan sa mga ito ay siya mismo ang gumawa. Ang nakabibilib ay gawa sa scrap materials ang mga miniature. Kumbaga, ang mga materyales na ginamit dito ay makikita lang sa mga bagay na ginagamit natin sa araw-araw; mapa-ito man ay kahoy, plastic, aluminum, tela at salamin.Kung hindi nga sasabihin ng tour guide ay hindi mo maiisip na gawa lang ang mga ito sa scrap materials dahil na rin sa ganda ng pagkakagawa. Detalyado ang pagkakaukit  pati na rin ang kulay ng bawat item. Ilan lang sa mga miniature na narito ay bahay o kuwarto na may iba’t ibang tema at iba pa
                          
                           
                Maiisip mo, ilang oras kaya ang ginugol ng artist para makabuo lang ng isang obra. Marahil ay bumibilang ito, hindi lang araw kundi ilang linggo at maaaring buwan pa nga. Depende na rin sa dami ng detalye na kinakailangan ng isang obra. Kung mas marami, malamang na mas matagal. Bibilib ka sa tiyaga at dedikasyon ni Aleli at sa mga gaya niyang miniature artist. Kung ang malalaking obra ay mahirap nang gawin, ito pa kayang mga bagay na pagkaliliit lang na kamukhang-kamukha nang pinaggayahan? Bukod sa talento, aba’y kinakailangan din dito ang talas ng mata para makita ang ginagawa mo.


                              


                Ang Museum of Miniatures ay matatagpuan sa 2nd level, E-com Building Riverbanks Center. Nagkakahalaga lang ng 75 pesos ang entrance fee rito. Bukod sa museum na ito ay kasama mo na ring makikita ang Spirit of Bethlehem Museum na karugtong lang nito. 

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...