Skip to main content

LA 105, Naalala Mo pa ba?


            Kung batang 90’s ka at mahilig sa alternative music, malamang ay nakikinig ka rin sa LA 105.9. ito lang ang nag-iisang FM radio na nakalaan para sa mga alternatibong musika. Bagama’t andun ang NU 107 na puro rock music din ang pinapatugtog. Ang pinagkaiba lang nila, ang isa ay pang-masa at ang isa naman ay para sa mga coño. Kada-alas dose ng tanghali ay nagpapatugtog ang LA 105 ng puro Pinoy rock. Kada-Linggo naman ay mayroon pa silang countdown kung anong kanta ang naging paborito ng mga listener sa loob ng isang linggo. Minsan nga ay nag-iimbita pa sila ng banda para tumugtog ng live o ‘di kaya’y para kapanayamin para makapag-promote sila ng kanilang album o ‘di kaya’y gig.

            Marami ring ipinakilalang mga banda ang istasyong ito. Ang maganda rito, kahit ano’ng klase ng musika ay kanilang pinapatugtog. Mapa-folk song, reggae, ska, punk, hardcore, death metal at kung anu-ano pa. Ikaw na lang ang bahalang mamimili kung ano ang pakikinggan mo. Siyempre, ang maganda ay suportado ng LA 105 ang mga bandang Pinoy. Dito muna pinatugtugtog ang kanta ng mga sumikat na banda gaya ng Eraser Heads, Parokya ni Edgar, The Teeth, The Youth, Yano, Wolf Gang at iba pa bago sila pumalaot sa mainstream music. Bukod sa mga ito, dito mo rin maririnig ang mga bandang The Wuds, Philippines Violators, Datu’s Tribe, Warlock, Re-Animator, Dead Nails, Tribal Fish at napakarami pang iba. Malamang sa hindi ay may mga naging paborito kang kanta na pinapatugtog sa istasyong ito.

            Ito ang panahon kung saan sari-saring tema ng kanta ang iyong mapapakinggan at hindi lang puro love song gaya ng sa mainstream music. Malayang naipapahayag ng mga musikero kung ano ang kanilang saloobin sa iba’t ibang bagay, mapa-pulitika man o pananaw sa buhay o mapa-simpleng kalokohan man. Bakit hindi ito mangyayari, eh walang nagdidikta sa kanilang producer kung ano ang dapat nilang kantahin o sulatin? Ibang-iba talaga ang eksena noon kumpara sa ngayon. Bagama’t mayroon pa namang mga banda, hindi na ito kasing sigla gaya noon na talagang nagkaroon ng bandwagon dahil sa LA 105. Nakapag-prodyus pa nga ang istasyon ng compilation album ng kanilang mga talent at nakapagbukas pa ng music bar sa Tomas Amoranto na mismong nakapangalan sa istasyon.

            Sayang nga lang at nagpalit format ang pamunaang ng istasyong ito. Ni wala nang bakas kung ano sila noon. Bagama’t wala na ang LA 105 ay ‘di maikakaila na naging matindi ang kontribusyon at impluwensya nila sa larangan ng musika. Nakatatak na sa puso’t isipan ng mga naging taga-pakinig ang mga kantang kanilang pinapatugtog...

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...