Skip to main content

Joey Velasco Museum: Mga Canvass ng Lipunan

              Naimbitahan ang inyong lingkod sa Joey Velasco Museum para makita ang mga painting na itinatampok dito. Akala ko noong una ay isa lamang itong ordinaryong museum, pero hindi pala. Pagpasok dito ay tumambad ang samu’t saring obra na ang nakadibuho ay ang Panginoong Hesu Kristo.


                Ilang beses na rin naman akong nakakita ng ganitong uri ng painting. Pero sadyang naiiba ang mga obra ni Velasco dahil may bahid ito ng usaping panlipunan at ‘di lamang patungkol basta patungkol sa espirituwal. Kumbaga, hindi lamang ito tumutukoy sa pananalangin o pananampalataya kundi isinasalarawan ng kanyang mga obra ang tunay na diwa ng Kristiyanismo at ito ay ang pagkakaroon ng malasakit sa mahihirap o silang mga pinakaaba sa ating lipunan na sa tuwi-tuwina ay biktima ng realidad ng buhay.  Sabi nga sa isang awiting Kristiano na aking narinig, “Buhay-Kristiyano’y di halleluya lang/Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan”.

Kauna-unahang obra ni Velasco

                Si Joey Velasco ay maituturing na isa nang late bloomer sa pagpipinta. Isa siyang negosyante bago pasukin ang larangan ng pagpipinta. Natuklasan na lamang niya ang kanyang talento nang minsan ay makapanagip siya ng imahe ni Birheng Maria at nang magising at iginuhit niya ang kanyang napanaginipan at ito ang naging kauna-unahan niyang obra. Naiguhit niya ito noong 2005. Nang mga sumunod ay nag-umpisa na siyang gumuhit ng mga obra na tinawag niyang “Mga Canvas ng Lipunan.”

Hapag ng Pag-asa

                Hindi gaya ng mga ibang pintor na nahumaling sa paglikha ng mga pantasya, alamat at ng magagandang tanawin. Mas pinili niyang iguhit ang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon na may naiibang interprestasyon. Gaya na lamang ng obra niyang may titulong “Hapag ng Pag-asa” na halaw sa pamosong Last Suffer na iginuhit ni Leonardo da Vinci. Sadyang iniba niya ang kanyang bersiyon, sa halip na mga apostol ang kasama ni HesuKristo ay mga batang mahihirap ang kasama niya rito. Ang mga modelo sa obrang ito ay mga totoong tao. Ang bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang istorya, sa murang edad nila ay dumadaranas na sila ng mabibigat na pagsubok sa buhay. May batang ulila na nakatira lang sa sementeryo. May batang ibinubugaw ang ina ng ama, may batang sumasabit sa truck ng basura para mangalakal at kung anu-ano pa. Ang mga batang ito ay sumasalamin lamang sa marami nating kabataan sa Pilipinas na biktima ng kahirapan.



                Ang mga obra ni Velasco ay sadyang may kurot sa puso. Pero sa aking pananaw, hindi lamang ito nagtatapos sa ganito. Hindi niya ginawa ang mga ito para lamang makapukaw ng imahinasyon o ng damdamin. Bagkus ay nag-aanyaya rin ito para kahit paano ay makatulong ka sa mga nangangailangan. Lagi lang natin silang nakikita pero hindi natin sila pinapansin. Dinadaan-daanan lang natin dahil nasanay na tayo sa kanila. Kumbaga sa gobyerno, sabi ni Velasco ay itinuturing na lang natin sila bilang isang estatistika, walang mukha at walang pakialam. ‘Yung iba naman sa atin, puro reklamo lang ang alam gawin, pero ang tanong may naitulong na ba tayo para sa ikabubuti ng ating lipunan.

                Totoo si Velasco sa kanyang mga naging obra. Ginamit niya ang kanyang obra, hindi lamang para ilarawan ang tunay na anyo ng ating lipunan bagkus ay tumutulong din siya sa mahihirap sa abot na kanyang makakaya. Pumanaw na si Velasco, pero ang pagtulong niya sa kapwa ay ‘di pa rin natatapos. Ang kinikita ng Joey Velasco Museum ay napupunta sa foundation kaya’t kung pupunta ka sa museum na ito ay para ka na ring naging bahagi ng adbokasiya ni Velasco.



                Ang Joey Velasco Museum ay matatagpuan sa E-COM Building, Riverbanks, Marikina City. 

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...