Skip to main content

Debate sa Luneta


        Tuwing Lingo ng gabi ay nagkakaroon ng impormal na debate sa may Luneta. Hindi malaman kung kailan ito nag-umpisa basta nakagawian na lang ito ng mga nagpupunta dito. Ito ay bukas sa publiko, kahit sino ay puwedeng sumali basta kaya mong sagutin ang argumento ng nanghahamon. Sa pormal na debate mayroong panelista, may oras kung hanggang kailan dapat magsalita at merong cross examination para mapuntirya ang kahinaan ng katuwiran ng katalo. Pero dito sa debate sa Luneta puwede kang magsalita at sumagot nang hindi nililimitahan at puwede ring sumingit ang iba hanggang sa ito na ang maging kadebate ng isa. Pero kahit ganito pa ang sistema, ang nakatutuwa ay 'di ito humahantong sa pisikal na away at murahan. Nauunawaan ng mga kalahok at mga nakikinig na palitan lang ito ng kuro-kuro at walang personalan.

     Samu't saring paksa ang dito ay tinatalakay, mapa-kasaysayan, pulitika, relihiyon at iba pang puwedeng pagtalunan. Dito mo maririnig ang opinyon ng mga ordinaryong tao tungkol sa mga isyung napapanahon. Mapupulsuhan mo kung ano ang kanilang niloloob. Hindi man sila mga orador na matatalisik magsalita ay marunong din silang mangatuwiran at magsuri sa lipunan. Kahit pa may halong kapilosopohan ang isinasagot ng iba. Makikita mo kung gaano sila katibay manghawak sa kanilang pinaniniwalaan.

      Naalala ko nang minsan nakapanuod ako ay puro matatandang kalalakihan ang nagdedebate. Sa umpisa ay kasaysayan ng Pilipinas ang kanilang pinagtatalunan hanggang mapunta na sa kasaysayan ng mundo. Nakaaaliw ang kanilang mga kuro-kuro animo'y mga iskolar ng lansangan mangusap. Hanggang sa mabaling ang paksa sa relihiyon, pinagtalunan nila kung mayroon bang Diyos o wala? Ang isang matanda ay hindi naniniwala na may Diyos dahil para sa kanya ay utak daw ng tao ang nagpapatakbo sa lahat ng bagay. Wala raw mapapala sa pagbabasa ng Biblia dahil nakakasira lang daw ito ng ulo. Natural kontra ang lahat hanggang sa masukol siya sa kanyang pangangatuwiran. Kaya't sa pagkapikon ay tinapak-tapakan niya ang dala niyang maliit na Biblia. Kaya't lumabas tuloy siyang katawa-tawa at may saltik sa harap ng marami. Nagpapatunay lang ito na iba't ibang karakter ang sumasali sa impormal na debate sa Luneta. Kusa na lang tumitigil ang sagutan ng mga nagdedebate kapag nagsawa na sila at ipagpapatuloy uli sa susunod na Lingo.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...