Skip to main content

Citizen Journalism: Bagong Uri ng Pamamahayag


Nauuso ngayon sa sektor ng media, ma-print man o telebisyon. Kapansin-pansin na kumukuha sila ng kontribusyon mula sa mga ordinaryong mamamayan. Tulad ng mga balita, litrato o maging ng bidyo. Ito ang tinatawag ngayon na citizen journalism, kung saan ay may partisipasyon ang kahit sino sa larangan ng pamamahayag. Nangangahulugan ba ito na nasasapawan na ang mga totoong nasa media o bagkus ito ay nakatutulong pa nga sa kanila?

Ang ganitong senaryo ay masasabing bunsod na rin ng pagbabago ng panahon dulot ng teknolohiya. Nang mauso ang internet ay nagsilbi ito daluyan ng samu’t saring impormasyon kabilang na nga rito ang pagbabalita. Wala ng bibilis pa rito, mas nauuna pa nga ritong limabas o mailathala ang mga importanteng kaganapan kaysa iba pang uri ng midyum sa pamamahayag. Mapa-blog man ito o mga community sites gaya ng Twitter. Hindi na pinag-uusapan rito kung propesyunal ba o amateur ang nagbabalita. ‘Yun nga lang ay may mga pagkakataon na kuryente o hindi pala totoo ang ilang mga nababalita. Nagdudulot lang tuloy ito ng kalituhan sa mga tao. Magkagayunpaman ay ‘di maikakaila ang kapangyarihang dulot ng citizen journalism. Lalo na’t ito ay bukas para sa lahat saan ka mang panig ng mundo. Marahil isa ito sa mga dahilan kung kaya’t ginamit na rin ng mga higanteng korporasyon ng media ang bisa nito. Siyempre, ‘di maaaring mawala rito ang gabay ng mga lehitimong nasa media para na rin sa kaayusan ng lahat.

Sa kabilang banda naman ay mayroon talaga itong mabuting epekto. Dahil hindi naman lahat ay nakararating sa kaalaman ng mga reporter. Kaya’t mahalagang mayroong magbigay alam ng mahahalagang kaganapan lalo’t naroon siya sa aktuwal na pangyayari. Kinakailangan nga lang na suriing mabuti ang impormasyon pumapasok para mapatunayang may katotohanan nga ito. Ngunit kung ito ay bidyo o larawan ay ito na mismo ang nagpapakita ng kung ano nga ang nangyari. Naging epektibo ang ganitong uri ng pagpapahayag lalo noong panahon nina bagyong Ondoy at Pepeng. Marami tayong mga kababayan na nag-ambag ng kanilang mga kuhang litrato at bidyo hinggil sa naturang kalamidad. Magpapatuloy pa rin ang ganitong paraan ng pagbabalita hanggang sa hinaharap.

‘Yun nga lang ay walang nakalaang kompensasyon sa ganitong uri ng pamamahayag. Ngunit sapat na marahil ang maparating sa marami ang balita o impormasyong nais ibahagi. Iba rin ang dating na sa pag-inog ng panahon, kahit sino ay may karapatan nang maging mamamahayag.Nauuso ngayon sa sektor ng media, ma-print man o telebisyon. Kapansin-pansin na kumukuha sila ng kontribusyon mula sa mga ordinaryong mamamayan. Tulad ng mga balita, litrato o maging ng bidyo. Ito ang tinatawag ngayon na citizen journalism, kung saan ay may partisipasyon ang kahit sino sa larangan ng pamamahayag. Nangangahulugan ba ito na nasasapawan na ang mga totoong nasa media o bagkus ito ay nakatutulong pa nga sa kanila?

Ang ganitong senaryo ay masasabing bunsod na rin ng pagbabago ng panahon dulot ng teknolohiya. Nang mauso ang internet ay nagsilbi ito daluyan ng samu’t saring impormasyon kabilang na nga rito ang pagbabalita. Wala ng bibilis pa rito, mas nauuna pa nga ritong limabas o mailathala ang mga importanteng kaganapan kaysa iba pang uri ng midyum sa pamamahayag. Mapa-blog man ito o mga community sites gaya ng Twitter. Hindi na pinag-uusapan rito kung propesyunal ba o amateur ang nagbabalita. ‘Yun nga lang ay may mga pagkakataon na kuryente o hindi pala totoo ang ilang mga nababalita. Nagdudulot lang tuloy ito ng kalituhan sa mga tao. Magkagayunpaman ay ‘di maikakaila ang kapangyarihang dulot ng citizen journalism. Lalo na’t ito ay bukas para sa lahat saan ka mang panig ng mundo. Marahil isa ito sa mga dahilan kung kaya’t ginamit na rin ng mga higanteng korporasyon ng media ang bisa nito. Siyempre, ‘di maaaring mawala rito ang gabay ng mga lehitimong nasa media para na rin sa kaayusan ng lahat.

Sa kabilang banda naman ay mayroon talaga itong mabuting epekto. Dahil hindi naman lahat ay nakararating sa kaalaman ng mga reporter. Kaya’t mahalagang mayroong magbigay alam ng mahahalagang kaganapan lalo’t naroon siya sa aktuwal na pangyayari. Kinakailangan nga lang na suriing mabuti ang impormasyon pumapasok para mapatunayang may katotohanan nga ito. Ngunit kung ito ay bidyo o larawan ay ito na mismo ang nagpapakita ng kung ano nga ang nangyari. Naging epektibo ang ganitong uri ng pagpapahayag lalo noong panahon nina bagyong Ondoy at Pepeng. Marami tayong mga kababayan na nag-ambag ng kanilang mga kuhang litrato at bidyo hinggil sa naturang kalamidad. Magpapatuloy pa rin ang ganitong paraan ng pagbabalita hanggang sa hinaharap.

‘Yun nga lang ay walang nakalaang kompensasyon sa ganitong uri ng pamamahayag. Ngunit sapat na marahil ang maparating sa marami ang balita o impormasyong nais ibahagi. Iba rin ang dating na sa pag-inog ng panahon, kahit sino ay may karapatan nang maging mamamahayag.

Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...