Skip to main content

Aldub Versus Pastillas Girl, Sino'ng Bet Mo?

  
          Dahil sa biglang pagsikat ng tambalang Aldub ng Eat Bulaga ay mukhang naungusan nang husto ang kalabang programa nito na Show Time. Noong una ay itinapat nila si Ryan Rems na naging champion ng isa isa nilang pa-contest- ang the Funny One. Pero ‘di nito kayang tapatan ang magic ng Aldub. Ngayon naman ay itinatapat nila si Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na Pastillas Girl na naging viral online dahil sa kanyang video na nagtuturo kung paano gumawa ng Pastillas recipe na inuugnay sa pag-ibig.

            Umani ng reaksyon mula sa netizens ang paglabas ni Pastillas Girls sa Showtime. Sa programa pa kasi niya hinahanap ang kanyang Mr. Pastillas. Ayon sa mga fans ng Aldub ay desperado na diumano ang Showtime dahil sa hakbang nilang ito. Ang pag-ibig diumano sa Aldub ay actingan lang at ang pag-ibig ay hinihintay sa tamang panahon. Samantalang si Pastillas Girl ay sa Showtime pa hinahanap ang kanyang Mr. Pastillas. Mistula diumano itong ibinubugaw ng naturang programa. Hindi rin nagustuhan ng iba ang paraan ng pagsikat ni Pastillas Girl dahil nakilala ito dahil sa lakas niyang magmura at hindi dahil sa mayroon itong talento. Hindi raw siya magandang ihemplo sa mga kabataan.

            Kasalukuyan ding inuulan ng batikos si Pastillas Girl dahil napag-alaman na ang kanyang pastillas recipe ay kinopya lang niya sa isang FB user na nagngangalang Meil Francisco. Nag-post na ng rekasyon ang nasabing orihinal na gumawa ng pastillas recipe. Sinabi nito na ibinibigay na niya sa nangopya ang recipe niya. Inamin naman naman ni Pastillas Girl na hindi nga sa kanya ang recipe. Ginawan niya lang ito ng video. Gusto niya sanang i-credit sa may-ari, pero ‘di niya kilala. Marami na rin kasing mga nag-share nito sa Facebook bago niya gawan ng video.

            Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ng mga maka-Show Time sa mga basher si Pastillas Girl. Bakit daw masyadong war freak ang mga Aldub fans? Gayung pareho lang namang gustong makapagpasaya ng mga tao ang Show Time o Eat Bulaga. Eh, ano kung nagmumura si Pastillas Girl, ibig bang sabihin nito ay masama na siyang tao? Tungkol naman sa pangungopya nito ng recipe, wala naman daw sinasabi si Pastillas Girl na sa kanya nga ‘yun. Sana gumawa rin ng video ang may-ari nito para siya ang sumikat at hindi si Angelica Jane Yap.

            Sinasabi rin ng mga fans ng Show Time na hindi naman lahat ng tao ay natutuwa sa Aldub love team na wala namang ginawa kundi ang magpa-bebe wave o ‘di-kaya’y ang pagda-Dubmash. Eh, ano rin kung ito ang kauna-unahang kalye serye sa bansa? Wala silang pakialam kung sinasabi man ng iba na pumatok ito dahil nakaka-relate ang marami rito. Na maaaring ibigin ng isang prince charming ang simpleng babae lang kagaya ni Yaya Dub. Pero sa kabilang banda, tinatanggap nila na phenomenal nga ang Aldub, pero saan nga ba at huhupa rin ito. Hiling lang nila, sana ay tigil-tigilan na sila ng mga Aldub fans na mahilig magkumpara sa Show Time at Eat Bulaga.

            Kung iisipin, bakit nga ba kailangang mag-away din ng mga fans ng magkalabang programa? Ang labanan ay hindi na lang nila ipaubaya sa magkabilang istasyon. Mukhang mas mainit pa sa tunggalian ng mga magkakalaban sa pulitika. Eh, isa lang naman itong uri ng entertainment. Kaya’t huwag masyadong pakadibdibin ‘ika nga. Kung tutuusin ay kanya-kanya lang naman ng trip ‘yan. Alam naman natin na sina Maine Mendoza at Pastillas Girl ay likha ng social media na pareho nang pinagkukunan ng mga talent ng giant network sa bansa. Sa huli, nasa atin din naman ‘yan kung sino ang panunoorin natin o hindi. Kaya’t sa mga fans ng Aldub at ng Pastillas Girl, KALMA lang!


Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...